BOC inentrega sa PDEA P4.5M nakumpiskang marijuana – Abante

WebClick Tracer
Saturday, September 23, 2023
Nasa P4.5 milyong halaga ng mga nakumpiskang marijuana ang nai-turn over ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tamang disposisyon.
Nasamsam ito ng ahensya mula sa mga kargamentong tinangkang ipuslit sa bansa pero naharang ng mga awtoridad.
Kabilang dito ang 2,318 gramo ng High-Grade Kush Marijuana na nasamsam noong Hulyo 11, 2023; 100 piraso ng iba’t ibang FRYD extracts; 100 piraso ng assorted cake vape bar; 120 piraso ng pack man; 30 piraso ng FRYD vape cartridges; 16 piraso ng Persy Full Spectrum THC extract, at 150 piraso ng assorted FRYD vape pen na positibong nakitaan ng Tetrahydrocannabinol (THC)/Marijuana base sa isinagawang PDEA chemical laboratory analysis.
Sa ulat, may P125,852 milyon na ha­laga ng ilegal na droga ang naharang sa Port of Clark mula noong Enero ng taong ito hanggang ngayong Hulyo.

source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *